EXCLUSIVE: Chiko Tito, iniwan ang corporate job para maging full-time DJ sa Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

“For me, ‘yung Chika Master kailangan mas marami ka pang alam, hindi lang sa chika sa showbiz. Hindi lang chika sa current events, kailangan may alam ka rin sa finances, sa iba’t-ibang aspeto ng buhay, sa marriage life, sa mga anak at pati sa society din.” - Chiko Tito

EXCLUSIVE: Chiko Tito, iniwan ang corporate job para maging full-time DJ sa Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

Walang humpay na tawanan ang napapakingaan every morning sa tuwing magsasama sina Chiko Tito, Papa Jepoy at Mama Cy sa hit Barangay LS program na Potpot and Friends.

Pero bago siya naging full-time disk jock, ang Chika Master na si Chiko Tito, may day job siya sa sales department ng isang oil company.

Ano kaya ang nagtulak sa kanya na iwan ang dati niyang trabaho at maging full-time Kabarangay?

Saad niya sa one-on-one interview with GMANetwork.com, hangad niya ang work-life balance kaya naisipan tuluyan na magpalit ng career.

Aniya, “Nung napagod na po ako sa sales [laughs], nakakapagod kasi po ang sales quota monthly. So sabi ko, hindi ito ‘yung buhay na gusto ko na hawak mo nga ‘yung oras mo, pero hanggang bahay sinusundan ka ng trabaho. Tumatawag ang mga kliyente, nagme-message ang mga boss.”

“Tapos hanggang pati sa bahay naapektuhan na ‘yung family ko… Nagdecide ako na kailangan ko ng work-life balance. Nag-decide na po ako mag-resign sa oil company noong January 2017, tapos nag full-time po ako sa Barangay LS ng June of the same year.”

Perfect din daw ang pagiging radio host niya, dahil malaking tulong ang pagiging natural niyang chikadora in real life.

Hindi raw problema sa kanya ang pakikipagkuwentuhan sa kahit ano mang klaseng tao, mapabata o matanda man.

Aniya, “Walang problema sa bata kasi may anak din ako, tapos mula sa pinakamatanda sa corporate world, ‘yung mga negosyante, kasi dun sa oil company, mga kausap namin dun mga business owners, mga business tycoons.”

“So, iba ‘yung approach sa bawat klase ng tao. Kung ano ‘yung kailangan nila ‘yun ang ibibigay mo sa kanila.”

Buong-puso din niyang ginagampanan ang pagiging official ‘Chika Master’ ng Barangay LS.

Aniya, hindi lamang dapat maalam sa showbiz ang isang Chika Master, kundi sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng mga Kabarangay.

“For me, ‘yung Chika Master kailangan mas marami ka pang alam, hindi lang sa chika sa showbiz. Hindi lang chika sa current events, kailangan may alam ka rin sa finances, sa iba’t-ibang aspeto ng buhay, sa marriage life, sa mga anak at pati sa society din.”

Makinig sa unli-tugstugan at tawanan na hatid ng Potpot and Friends, Monday to Friday from 6:00am to 8:00am with Papa Jepoy, Chiko Tito and Mama Cy sa Barangay LS 97.1!

Mapapakinggan din sila at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.