EXCLUSIVE: Papa Jepoy, bilib sa teamwork ng 'Popot & Friends' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Puno ng tawanan ang naging exclusive interview ng GMANetwork.com sa basketball athlete turned disk jock na si Papa Jepoy.

EXCLUSIVE: Papa Jepoy, bilib sa teamwork ng 'Popot & Friends'

By AEDRIANNE ACAR

Puno ng tawanan ang naging exclusive interview ng GMANetwork.com sa basketball athlete turned disk jock na si Papa Jepoy.

Ang binansagan ng mga Kabarangay na The MVP ang isa mga hosts ng top-rating FM morning radio show na Potpot & Friends kasama sina Chiko Tito at Mama Cy.
 
Tinanong namin ang kuwelang si Papa Jepoy kung ano ang pakiramdam na tinatawag siya ng mga listeners na The MVP.
 
Aniya, “Nagulat talagang nai-relate pa rin pagkahilig ko sa basketball, pati dito [bilang DJ] naiko-connect pa rin. Ang galing! And nakakatuwa dahil ang ganda ng pangalan eh…”

Pero aminado siya na may kaakibat na responsibilidad ang titulo na ito na  ibinigay ng mga loyal Kabarangay sa kaniya.

Bumuhos naman ang papuri ni Papa Jepoy sa co-hosts niya sa Potpot & Friends kaya naman highly-successful ang kanilang programa.

Maisasahalintulad niya sa isang basketball team na may good chemistry silang tatlo nila Mama Cy at Chiko Tito. 

Wika niya, “Everyday learning experience sa kanila. Siyempre mayrun din silang natutunan sa akin, mayrun din akong natutunan sa kanila. Kasi teamwork yan eh, pagdating sa tandem lalo na sa morning, teamwork yan.

"Hindi ko puwedeng sabihin kaya kong dalhin yan, kailangan ko talaga ng magagaling na teammate and thankful ako nandiyan sila.”

Marami rin daw siyang natutunan na bago sa kanyang mga kuwelang co-hosts sa araw-araw nilang pagsasama. 

“Si Chiko, lagi kong pinipikon, ang haba ng pasensya, parang hindi pa siya nagfi-flip, hindi pa siya umaayaw. Ang haba ng pasensya ng taong ito.”

“Si Mama Cy naman matagal ko na siyang kasama, mayrun kaming serye every Wednesday na may tinatago pala ‘tong ganito, magaling pala umarte kaya pala, puwede pala sa radyo. And napakaflexible, kasi kapag nagbi-brain storm kami kung anong gagawin next week, kasi ginagawa namin ‘yun ahead of time, siya ‘yung nagi-input kung ano maganda gawin  and nagugulat ako sa creativity nilang dalawa ni Chiko.” 

Good vibes ang hatid ng Potpot & Friends barkada from Monday-Friday, 6:00-8:00 AM sa nangungunang FM radio station ng bansa na Barangay LS 97.1!

Puwede rin kayo maki-saya sa mga paborito ninyong Barangay LS disk jocks online via audio livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.