EXCLUSIVE: The Showbiz Insider explains - 'Bakit mahilig sa tsismis ang mga Pinoy?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paliwanag ni Janna Chuchu, ang Showbiz Insider ng Barangay LS, likas na raw talaga sa ating mga Pilipino ang maging updated sa mga showbiz intriga. Agree ka ba?

EXCLUSIVE: The Showbiz Insider explains - "Bakit mahilig sa tsismis ang mga Pinoy?"

By AEDRIANNE ACAR

Dobleng saya at tawanan ang hatid ni Janna Chuchu sa ating mga Kabarangay listeners bilang isa sa newest additions sa talented roster ng DJs sa nangungunang FM station ng bansa na Barangay LS 97.1.

Binansagan siya ng mga loyal Kabarangay bilang “The Showbiz Insider” na labis na ikinataba ng puso ni DJ Janna Chuchu.

Ayon sa kaniya, “Natuwa ako, kasi alam naman natin na before mag-anchor at mag-DJ eh yun na ‘yung trabaho ko - maki-alam sa mga buhay ng mga celebrities at alamin ‘yung katotohanan ng isyu about them.”

‘Tila kakabit na ng buhay ng mga Pinoy ang pagkahilig sa mga kuwento patungkol sa paborito nating celebrities.

Paliwanag ni Janna Chuchu, likas na raw talaga sa ating mga Pilipino ang maging updated sa mga showbiz intriga

“Ang mga Pilipino mahilig sa tsismis. Di ba, makahawak lang ng diyaryo ang unang bubuksan ‘yung entertainment. Kumbaga makakita lang ng press people magtatanong agad kamusta si ganyan, ano ba ang latest kay ganito? 'Tsaka mahilig sila sa blind items, kumbaga gusto nila nang nanghuhula sila. Parang ‘yung imagination nila ‘ay naglalaro kung sino ba ‘yung celebrity na sinasabi doon.”

Magkatambal sina Janna Chuchu at Chiko Tito sa patok na Saturday radio program na Balita sa Barangay at lubos ang paghanga ni Janna sa kaniyang co-DJ, dahil madali itong maka-trabaho.

Wika niya, “Bongga! Kasi nagbibigayan kami, binibigyan niya ako ng pagkakataon na i-air kung ano ‘yung nararamdaman ko, kung ano ‘yung nasa isip ko, kung ano ba yung puwedeng gawin namin para mapaganda ‘yung show. Tapos, pinag-uusapan namin kung hanggan saan ba ‘yung puwedeng kiliti na puwedeng makuha ng mga audience. Kung saan ba sila nage-enjoy, binabasa naming ‘yung reactions nila [online].”

Nakakatuwa rin daw ang suporta na natataggap nila sa avid listeners na binibigyan daw nila ng good vibes every weekend.

Ani Janna, “Lately natutuwa kami, kasi ang nakikinig sa amin mga attorney… Sinasabi nila na gumiising sila ng umaga para makinig kasi nage-enjoy sila, kumbaga binibigyan namin sila ng magandang umaga. Sabi namin, hindi lang taxi drivers ‘yung nakikinig, hindi lang ‘yung mga mothers na nasa bahay, kumbaga pati ‘yung mga professionals rin, like ‘yung mga attorney, nakikinig din.”

Chikahan at tawanan na walang humpay sa Balita sa Barangay every Saturday from 6:00am to 9:00am with Chiko Tito and Janna Chu Chu ang hatid ng number one  FM radio station ng bansa na Barangay LS 97.1!

Puwede rin kayo maki-saya sa mga paborito ninyong Barangay LS disk jocks online   via livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.