EXCLUSIVE: Paano naging 'Life Coach'' si Papa Marky? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Saan nga ba niya kinukuha ang mga inspiring advice niya?

EXCLUSIVE: Paano naging "Life Coach'" si Papa Marky?

By BIANCA GELI

Tinaguriang inspiring ‘Life Coach’ ang Kabarangay na si Papa Marky dahil sa kaniyang mga malalalim na advice sa listeners. Pero saan nga ba niya kinukuha ang mga inspiring advice niya?

 

 

Aniya, "Ang pagiging life coach, kombinasyon yan ng pinagsama-samang opinyon ng lahat, ng iba’t ibang mga tao.”

“Yung mga listeners kasi na tumatawag sa amin at humihingi ng advice, actually alam na nila ‘yung gagawin nila.They just need someone to talk to. Basta kami,we challenge them kung ano ang puwede nilang gawin o ina-uplift na lang namin ‘yung spirit nila.”

Dagdag niya, “I’m here to listen. Alam naman na din nila ‘yung tama at mali na puwede nilang gawin.”

Marami rin daw natutunan si Papa Marky dahil sa pakikinig sa istorya ng kanyang mga listeners. “Kung papipiliin mo ako, kung talking or listening to other people, I want to listen. Kasi kapag nagsasalita ka in front of them, limited ka sa kung ano lang ang alam mo. Pero if ever you’re listening to other people. Mas dadami ‘yung alam mo.”

Isa rin si Papa Marky sa mga naparangalan na DJ ng Barangay LS bilang Best Radio DJ sa Inding-Indie Short Film Festival. Kaya lalo raw siyang inspired na mas makinig at tumulong sa kanyang mga listeners. “Thankful ako at overwhelmed na yung mga tao ay na-aappreciate what you’re doing for them, not knowing na sila ‘yung may ginagawa for me.”

READ: Kabarangay netizens laud Papa Marky's win at the 3rd Inding-Indie Short Film Festival

Mapapakinggan si Papa Marky hindi lang sa radyo kung di pati na rin sa live audio stream ng Barangay LS sa www.gmanetwork.com/radio.