EXCLUSIVE: Papa Bol, paano nagbibigay ng diskarte tips sa listeners? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mistulang matchmaker si Papa Bol sa programa niyang 'Wanted Sweetheart' na binabalik-balikan ng mga callers na naghahanap ng payo sa love life. Paano nga ba niya sinasagot ang mga problemado sa pag-ibig?

EXCLUSIVE: Papa Bol, paano nagbibigay ng diskarte tips sa listeners?

By BIANCA GELI

Kilala na si Papa Bol sa Barangay LS bilang ang “Mr. Dreamboy” na DJ. Mula sa appeal hanggang sa mga hirit, may kilig sa programa ni Papa Bol. Kaya naman ang mga problemado sa pag-ibig, sa programa niyang Wanted Sweetheart tumatawag.

Paano nga ba pinapayuhan ni Papa Bol ang kaniyang mga callers?

Aniya, “May mga lalaking hindi makapagsalita, kaya pinapakanta ko na lang."

Iba-iba rin daw ang atake ni Papa Bol sa pagpapalakas ng loob sa mga callers niya, mula sa pagpapakanta hanggang sa pagpapatawa. “Ang maganda sa program is spontaneous siya, lahat ng elements puwede mong gamitin. Hindi mo maasahan kung anong mangyayari. Exciting siya every night kasi kahit ako, hindi ko alam ano mangyayari.”

Mistulang matchmaker na rin si Papa Bol na binabalik-balikan ng mga callers na naghahanap ng payo sa love life. Lagi naman din siyang handang tumulong.

“Siguro sa idea na kung ano ‘yung alam ko, i-share ko. Everyone deserves a fighting chance when it comes sa mga taong gusto nila. Ang daming hindi pumapasang lalaki kasi sa first impression. Paano mo mapapatunayan sa isang girl kung deserving ka?”

Dagdag niya, “Yun na ‘yung papel ko. Tutulungan ko sila. Pero after that, sila na. Personality na nila ‘yun, mas malalim na.”

“That’s the role na ginagampanan ko bukod sa matchmaker.”

Kahit na tinaguriang “Mr. Dreamboy” si Papa Bol, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba. 

“Nakaka-flatter, pero simple lang ako. I’m the type of person na I would want them to enjoy my program. At kung enjoy ang listeners ko, enjoy din ako.”

Mas pipiliin daw ni Papa Bol na mas mapansin siya dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang programa kaysa sa kanyang pogi points.

“I love this job that has taken me to places na ‘di ko inakalang mararating ko. I’m not that confident na magaling ako, but I’m confident enough na I can make my listeners happy whenever they listen to me. As long as may napapasaya ako, that’s enough para sabihin ko sa sarili ko na I’m doing good.”

Pakinggan si Papa Bol sa Wanted Sweetheart, Lunes hanggang Biyernes tuwing 9:00pm hanggang 12:00mn. Puwede nyo rin mapakinggang ang "Dream Boy" ng bayan online. Just log on to www.gmanetwork.com/radio.