EXCLUSIVE: Mama Cy reveals the secret to 'Potpot & Friends' unbeatable chemistry
July 02 2018
Hindi kumpleto ang mga umaga ninyo mga Kabarangay kung hindi ninyo mapapakinggan ang panalong trio nina Mama Cy, Papa Jepoy at Chiko Tito sa Potpot & Friends.
Pero ano nga ba ang sikreto nilang tatlo at kinagigiliwan sila ng listeners araw-araw?
Sa exclusive interview ng Ang Palaban na Beauty na si Mama Cy, inisa-isa ng magaling na radio announcer ang mga best qualities ng kaniyang mga co-hosts.
Kuwento ni Mama Cy, “Kasi sa Popot & Friends, unlike other programs na medyo lie low sa kalokohan, kami na[-build na ‘yung character na puro kalokohan talaga. Even sa Potpot serye, talagang ang ending diyan alam mong kalokohan din.”
Isa sa mga best qualities ni Papa Jepoy, ayon kay Mama Cy ang pagiging witty nito.
Saad niya, “Very blessed ako na makasama si Jepoy at 'yung talent at gift talaga sa kanya ni Lord na pagiging witty.”
Lubos din hinahangaan ni Mama Cy, ang salesman turned DJ na si Chiko Tito sa angking kasipagan nito.
Dagdag pa niya, malayo na raw ang narating ni Chiko Tito mula sa pagiging isang working student noon.
“For Chiko Tito, blessed din ako to have known him even before Potpot days namin. Si Chiko Tito malaki na ang pinagbago, he has gone a long way, from being a working student to who he is now. He's very successful na because mapursigeng tao talaga siya. And, mahahawahan ka ng pagiging mapursigidong tao niya kapag kasama mo siya. So maganda-maganda ‘yung trio na mayrun kami ngayon sa programa.”
Bumabaha ng good vibes sa Potpot and Friends every Monday to Friday from 6:00am to 8:00am with Papa Jepoy, Chiko Tito and Mama Cy sa Barangay LS 97.1!
Puwede niyo rin makasama 24/7 online ang mga Barangay LS disk jocks via the live audio stream nito sa www.gmanetwork.com/radio.
Comments
comments powered by Disqus