EXCLUSIVE: Bibo ng Dance floor na si Papa Ding, minsan naging 'StarStruck' hopeful | GMANetwork.com - Radio - Articles

Minsan palang pinangarap ni Papa Ding na mag-artista at lumuwas pa daw siya sa Manila para mag-audition mismo sa Kapuso Network!

EXCLUSIVE: Bibo ng Dance floor na si Papa Ding, minsan naging 'StarStruck' hopeful

By AEDRIANNE ACAR

 

 

Laging game ang tubong Quezon province na si Papa Ding or John Kehvin Real in real life pagdating sa hatawan sa dance floor.


READ: Papa Ding, from fast food service crew to DJ of Barangay LS

Pero hindi alam ng marami na minsan palang pinangarap ni Papa Ding na mag-artista. Sa katunayan, nag-audition ang former Lucena city DJ sa artista-based reality TV search na StarStruck noong 2015, kung saan nanalo sina Migo Adecer at Klea Pineda.

Ayon sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa radio DJ, lumuwas pa daw siya sa Manila para mag-audition mismo sa Kapuso Network.

Kuwento niya, “Batch po nila Migo Adecer, ‘yung latest po. Nagpunta po ako mismo sa Manila, parang nag-try lang ako. Kasi, hindi po sila nagkaroon ng audition sa amin.”

“Ewan ko po ba, ever since parang gusto ko po talagang mag-artista (laughs). Gusto ko umacting ganyan. Feeling ko sapat ‘yung kapal ng mukha ko para sa mga ganung bagay. Pero, ayun nag-try po ako mag-audition. Kaya lang, unfortunately hindi po ako pinalad that time.

Hindi man natupad ang StarStruck dream niya, parte naman siya ngayon ng talented roster ng Barangay LS disk jocks matapos maging Kapuso noong isang taon (2017).  Ngayon, host na siya ng morning show na Hoy! Pinoy.

Binansagan din siya ng mga Kabarangay fans bilang Bibo ng Dance floor, dahil sa pagkahilig niya sa pagsayaw.

Saad ni Papa Ding, “Kasi akong-ako po ‘yun (laughs). Pabibo, pabida. Well in a good way naman po. Parang ‘yun din ‘yung nakikita ng mga Kabarangay pag nasa programa ako, ‘yung bibo lang talaga, hyper kumbaga. Mataas ‘yung energy palagi. Isipin mo, madaling araw po ‘yun at karamihan ng mga tao inaatok that time. Pero ‘yung DJ na nakaupo sa program ng alas tres hanggang ala sais ng umaga is ‘yung energy nasu-sustain ng ganung katataas.”

Asahan din daw kay Papa Ding ang paggawa niya ng mga dance covers lalo na sa tuwing may nauusong sayaw online.

“Way back nung nasa province ako mahilig talaga akong sumayaw, kahit noong school days pa. Talagang naging active ako sa mga ganung activities. Talagang si Papa Ding laging nangunguna sa mga pa-challenge sa mga Kabarangay.”

Tumutok tuwing umaga kay Papa Ding sa Hoy! Pinoy every Monday to Friday from 3:00am to 6:00am at makisaya online kasama ang mga iniidolo ninyong Barangay LS disk jocks via the live audio stream nito sa www.gmanetwork.com/radio.