EXCLUSIVE: Saan nakukuha ng 'Hugot Queen' na si Mama Emma ang kanyang mga advice? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Para kay Mama Emma, naging hulog ng langit ang mga napagdaanan niya sa buhay dahil ito mismo ang mga ginagamit niya bilang hugot o payo sa mga listeners ng kanyang programa na 'Three Play.'

EXCLUSIVE: Saan nakukuha ng "Hugot Queen" na si Mama Emma ang kanyang mga advice?

By BIANCA GELI

 

 

Para kay Mama Emma ng Barangay LS 97.1, naging hulog ng langit ang mga napagdaanan niya sa buhay dahil ito mismo ang mga ginagamit niya bilang hugot o payo sa mga listeners ng kaniyang programa na Three Play.

 

Aniya, “Base sa mga nararamdaman ko [yung mga hugot].

“Noong time na nagsimula ako humugot, parang natuwa sila. Pinagkatuwaan nila ‘yung feelings ko, so dun nila kinuha yung title nila sa akin na Hugot Queen.”

Nakukuha rin daw niya ang mga payo mula sa pag-oobserba sa mga nakakasalamuha niya araw-araw.

“Sa araw-araw na byahe ko, kasi di ba alam naman ng mga ka-baranggay na nagko-commute ako. Sa pagko-commute ko, hindi ako ‘yung ordinary na nagsi-cellphone lang. Nag-oobserve ako.”

Bukod sa pagiging Hugot Queen, isang empowered mommy din si Mama Emma na pinagsasabay ang kaniyang career sa  pagiging full-time mom. 

Proud mommy daw si Mama Emma na ipinapakita sa kaniyang online followers kung paano niya pinagsasabay ang gawaing bahay sa trabaho. “May dala akong laundry basket, maglalaba ako, pero naka-heels ako. So may mga nagtatanong, “Mama Emma, paano mo nagagawa ‘yan?”

Dagdag niya, “Magkakaiba ang oras at trabaho, so time management lang.”

Paliwanag niya, ramdam niya raw ang pagiging empowered sa pagsasabay niya ng pagiging ina sa pagiging career woman. “Nakakaintimidate at nakakailang lalo na kapag nakita nila akong naka-high heels ako. Sadyang ganito lang talaga ako, kasi nag-evolve na ang bansa natin. Hindi na 'yung ang babae nasa bahay lang nagpapalaki lang ng anak.”

May ibinahagi rin si Mama Emma na hugot advice tungkol sa mga gustong maging independent woman tulad niya.

“Ang babae, kapag natuto na maghanap-buhay at patakbuhin ang pamilya, nagiging independent sila, Very challenging ‘yun para sa mag-asawa.”

Pakinggan si Mama Emma sa Three Play, tuwing Lunes hanggang Sabado mula 3:00pm to 5:00pm sa Barangay LS 97.1.

Puwede rin kayo maki-saya sa mga paborito ninyong Barangay LS disk jocks online via livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.