EXCLUSIVE: Joshua Jacobe's take on T.O.P and One Up comparison | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi maiiwasan na maikumpara ang grupo ni Joshua na T.O.P sa isa pang Kapuso boy group na One Up. Ano kaya ang masasabi niya tungkol dito?

EXCLUSIVE: Joshua Jacobe's take on T.O.P and One Up comparison

By AEDRIANNE ACAR

Mas mature na sound ang mapapakinggan ng mga Kapuso sa second album ng boy group na T.O.P.

 

Ayon sa one-on-one interview ng GMANetwork.com sa T.O.P. hottie na si Joshua Jacobe, nagkuwento siya patungkol sa bagong sound nila with their latest album under GMA Records.

Wika ni Joshua, “Actually itong second album namin we are on our second single kasi na-release na namin ‘yung second single namin which is ‘Nasa Dulo’ medyo senti siya, mellow mode.”

Taos-puso din ang pasasalamat ng singer/actor sa pamunuan ng GMA Records na binigyan sila ng musical freedom with this project.

Aniya, “Excited ako sa second album and sa mga songs namin na lalabas kasi, sobrang thankful kami sa GMA Records na binigyan kami ng opportunity na bigyan kami ng musical freedom kung ano ‘yung gusto naming taste for the group.”

“Kasi sa mga songs namin, kami from scratch like from composition, from writing lyrics, from producing din. Pero siyempre nandiyan ‘yung GMA Records to supervise us, so sobrang excited ako kasi itong second album namin, ito ‘yung personal taste of music ng T.O.P.”

Hindi maiwasan na maikumpara ang grupo ni Joshua na T.O.P sa isa pang Kapuso boy group na One Up.

Binigyan diin ng Kapuso star na wala silang problema o isyu sa One Up members at matalik silang magkakaibigan kahit may ilang mga die hard fans nila ang may iringan.

Paliwanag ni Joshua, “Ngayon kasi sobrang nakakasama ko din sa mga acting workshop ‘yung One Up and sobrang tropa sila. Hindi sila kalaban, kasi nandito din naman sila sa GMA, suportahan din.”

“Pero iba rin naman din kasi ‘yung nature ng One Up and sa T.O.P, kasi sa T.O.P. side we are more on the musical side talaga. So, wala naman sa group namin na may conflict with One Up, as in, we are really great friends with them sobra.”