EXCLUSIVE: Paano maging palaban katulad ni Mama Cy? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bakit nga ba binansagan na "Palaban na Beauty" si Mama Cy?

EXCLUSIVE: Paano maging palaban katulad ni Mama Cy?

By AEDRIANNE ACAR

 

 

Paano ba naging palaban ang Potpot & Friends host na si Mama Cy?

Likas na daw talaga ang pagkakaroon ng malakas na loob ni Mama Cy kaya hindi nakakapagtaka na binansagan siya mg mga radio listeners ng 'Ang Palaban na Beauty."

EXCLUSIVE: Mama Cy reveals the secret to 'Potpot & Friends' unbeatable chemistry

Paliwanag ni Mama Cy nahubog ang pagiging palaban niya nang pumasok siya sa Miriam College.

Saad niya, "Paano palaban si Mama Cy? Bilang sa Miriam po kasi [ako galing] na-train ako sa pagiging Gabriela ko. Kapag alam kong tama ako, ipinaglalaban ko 'yun."

Lumalabas din ang pagiging "palaban" ni Mama Cy sa tuwing nagpapalitan sila ng opinyon sa radio program nila nina Papa Jepoy at Chiko Tito na Potpot & Friends.

"Even sa Potpot, merong times na si Papa Jepoy, nagka-karoon kami ng debate. Kumbaga may opinyon ka, may opinyon ako. Respetuhin ko opinyon mo, pero huwag mo isaksak sa akin na tanggapin ko 'yung opinyon mo," ang nakangiting paliwanag ng Palaban na Beauty ng Barangay LS. 

All-out tawanan every morning kasama ang Potpot & Friends barkada from Monday-Friday, 6:00-8:00 AM sa nangungunang FM radio station ng bansa na Barangay LS 97.1!

Puwede rin kayo maki-saya sa mga paborito ninyong Barangay LS disk jocks online via audio livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.