WATCH: Kaya bang suwayin ni David Licauco ang kanyang mga magulang para sa pag-ibig? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Pag-ibig o pamilya? Ano ang pipiliin ni David Licauco? Alamin sa istorya na ito.

WATCH: Kaya bang suwayin ni David Licauco ang kanyang mga magulang para sa pag-ibig?

By AEDRIANNE ACAR

LOOK: 18 photos of celebs before they got sexy hot


Maraming Kapuso girls ang kinilig at tumutok sa first radio guesting ng Chinito heartthrob na si David Licauco sa Talk To Papa ng Barangay LS 97.1 ngayong Biyernes, July 20.

Dito nag-promote si David sa challenging episode na ginawa nila ni Shaira Diaz for Magpakailanman kung saan gaganap siya bilang si Aron na magmamahal ng Filipina na tututulan ng kaniyang mga Chinese parents.

Nagkuwento ang Kapuso actor na may ilan pa ring traditional na Chinese families ang sumusunod sa ganitong traditions.

Aniya, “Siguro sa mga like very traditional Chinese, oo. Pero para sa mga modern na Chinese ‘yung mga matagal na rin dito, I guess hindi na siya masyado napapraktis.”

Pero nilinaw agad ni David na hindi na ganito ang paniniwala ng kaniyang mga magulang na may moderno nang pananaw sa buhay.

Saad ng Kapuso star, “Pero with my family naman modern na kasi ‘yung parents ko and my dad isn’t Chinese naman, so I guess na okay lang naman sa kanila na magkaroon ako ng girlfriend na Filipina.”

Diretsahan din siya tinanong ng Talk To Papa host na si Papa Marky kung ano ang gagawin niya kung nasa parehas siyang sitwasyon tulad ng karakter niya na si Aron?

“First of all since parents ko siya kailangan ko siyang sundin, pero 'pag ako siyempre parang ayaw mo naman pakasalan ‘yung taong hindi mo mahal 'di ba. Siguro 'pag ako, ipaglalaban ko siya, ‘yung mahal ko.”