WATCH: Hugot singer Mark Carpio, nagkuwento tungkol sa latest single na 'Ako Na Lang Sana' | GMANetwork.com - Radio - Articles

May bagong handog ang OPM singer na si Mark Carpio para sa kaniyang mga fans, dahil inilabas na niya ang kanyang latest single matapos ang hit song na ‘Hiling.’

WATCH: Hugot singer Mark Carpio, nagkuwento tungkol sa latest single na 'Ako Na Lang Sana'

By AEDRIANNE ACAR

 

Mark Carpio balances music and real estate careers

May bagong handog ang OPM singer na si Mark Carpio para sa kaniyang mga fans, dahil inilabas na niya ang kanyang latest single matapos ang hit song na ‘Hiling.’

Sa one-on-one interview ni Mark sa Sikat sa Barangay, ibinahagi niya ang kahuluguhan ng newest single niya na ‘Ako Na Lang Sana.’

Aniya, “It’s just a follow up song from ‘Hiling,’ kasi ito ‘yung kuwento prior to 'Hiling.' Di ba ‘yung 'Hiling' kasi kuwento siya noong napagod ka na, wala pa rin hanggang ngayon.”

“Ito naman ‘Ako Na Lang Sana’ naga-attempt ka pa, na naghahanap ka na mayrun kang nagugustuhan. Hindi naman kasi lahat ng gusto mo, gusto ka rin di ba?”

Bukod sa pagiging musikero nagta-trabaho din sa real estate si Mark bilang Executive Vice President ng Grand Monaco Estate Developers, Inc.