WATCH: Paano nakatulong ang preparasyon ni Alden Richards sa 'Victor Magtanggol' sa kanyang concert na 'Adrenaline Rush?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka-one-on-one ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay ang Pambansang Bae na nagkuwento tungkol sa 'Victor Magtanggol' at sa kanyang upcoming concert.

WATCH: Paano nakatulong ang preparasyon ni Alden Richards sa 'Victor Magtanggol' sa kanyang concert na 'Adrenaline Rush?'

By AEDRIANNE ACAR

 

Isang malaking bituin ang special guest ng “Squad Leader” ng Barangay LS na si Mama Belle sa patok niyang radio program, dahil bisita niya this Thursday afternoon ang nag-iisang Pambansang Bae na si Alden Richards.

 

Naka-one-on-one ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay ang Kapuso actor kung saan nagkuwento siya tungkol sa matitindi niyang stunts na ginagawa sa primetime series na Victor Magtanggol.

Saad ni Alden, “Pag gumagawa tayo ng stunts sana siyempre we see to it na hindi tayo masyado nagpapa-double para mas full ‘yung experience being a superhero at saka magiging proud tayo sa trabaho natin na talagang tayo ‘yung gumawa.”

Inimbitahan din niya ang mga Kabarangay para sa second major concert niya sa darating na September 21 sa Kia Theatre na ‘Adrenaline Rush’ na inaabangan na ng libo-libo niyang fans.

Ano-ano kaya ang dapat i-expect ng mga Aldenatics sa performances niya sa big concert next month?  

Kuwento ng Kapuso actor, “Kasi po ang ‘Adrenaline Rush’ po ang concept niya is ang element na pinasok namin dito is air. So nung first po kasi water nung ‘Upsurge,’ so ngayon since air ma-suspend tayo sa langit.”

“I’ll be dong some production numbers po na involves stunts, parkour, kumbaga in-incorporate ko na po dito ‘yung nagawa ko po training sa Victor Magtanggol at least para madagdagan din po ng bagong element ‘yung show natin.”