EXCLUSIVE: Kapuso DJs excited para sa Barangay LS livestreaming | GMANetwork.com - Radio - Articles

Walang radyo, no problem. Ang Barangay LS, magkakaroon na ng livestreaming!

EXCLUSIVE: Kapuso DJs excited para sa Barangay LS livestreaming

By AEDRIANNE ACAR

Tuloy-tuloy ang unli-tugstugan mga Kapuso online dahil mapapakinggan n’yo na ang mga paborito ninyong shows at DJs sa Barangay LS anytime, anywhere!

Kung walang radyo, puwede pa rin kayo maging updated dahil may livestreaming na ang number one FM station sa Mega Manila.

Para sa Barangay Love Stories host na si Papa Dudut, isa itong pagkakaton para mas marami silang maabot na Kabarangay.

Aniya, “Ang livestreaming kasi ay para sa akin isang avenue to reach wider market. Over the Internet, wala ng bayad, mapapakinggan n’yo po ang Barangay LS at ang Barangay Love Stories.”

Binigyan diin naman ng “Hugot Queen” ng LSFM na si Mama Emma na importante ang proyekto na ito ng kanilang radio station para mahuli ang kiliti ng mga young listeners.

“Importante 'yan kasi ang mga tao, mga bata ngayon nasa world wide web so parang dun na sila lagi, ganun siya kaimportante,”

Naniniwala naman si Mama Cy na may kaakibat din na challenge ang livestreaming para mas pagbutihin nila ang kanilang trabaho sa Barangay LS 97.1.

“First masaya kasi siyempre mas marami na po kami hopefully ma-entertain na mga Kapuso natin around the globe, but also this brings a challenge to us to give more.

“Kumbaga, if we think we are giving the best that we can, ito kailangan the bestest. Kasi ano na ‘to eh malawak ‘yung reach. So ‘yun ‘yung challenge.”