EXCLUSIVE: Sino si Ms. Trendy ng Barangay LS 97.1? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Isang bagong lady disk jock ang bibighani sa inyo mga Kabarangay tuwing tanghali. Kilalanin siya!

EXCLUSIVE: Sino si Ms. Trendy ng Barangay LS 97.1?

By AEDRIANNE ACAR

Isang bagong lady disk jock ang bibighani sa inyo mga Kabarangay tuwing tanghali, dahil hindi lamang siya magpapatawa kundi magbibigay din siya ng limpak-limpak na papremyo sa bago niyang radio program na Barangay Big Taym!

EXCLUSIVE: Kapuso DJs excited para sa Barangay LS livestreaming

 



 

Makakasama ninyo araw-araw sa number one FM station sa Metro Manila si Lady Gracia o Gremalyn Umali sa totoong buhay.

Galing sa Barangay FM 92.7 ang talented radio DJ na si Lady Gracia na main host ng Radyo Nobela sa Baguio City.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Lady Gracia, ikinuwento niya kung paano siya napili bilang pinakabagong Kabarangay sa Barangay LS.

Wika niya, “Kasi ang nangyari tinawagan lang ako na last July actually katapusan noon, tinawagan ako na sabi nila kailangan daw nila ng babae na mapapasama sa Barangay LS. Sa una takot ako, siyempre parang comfort zone ko na ‘yung Baguio parang doon na ako nasanay for seven years or eight years.”

“Pero sabi nga nila kailangan minsan lumabas ka sa kahon mo, minsan kailangan mo na mag-explore. Kasi di ba kung doon ka lang sa kahon mo na yun, dun ka lang gagaling sa kahon mo na ‘yun. Ginarab ko ‘yung chance, ‘yung opportunity na ibinigay sa akin. Nag-yes agad ako kahit alam ko na nakakatakot, kahit na alam ko na hindi ako sigurado sa pinapasok ko.”

Sino naman kaya ang nagbansag sa kanya bilang Lady Gracia?

Ayon sa kaniya, “Parang isang listener ang nagsabi nun parang Talk to Papa noon sa Baguio. Tapos parang nabanggit nila ‘yung Lady Gracia, ‘yung isang listener namin nabanggit na ‘uy Lady Gracia. Hindi pa ako naipapakilala nun, wala pa talaga ako pangalan. Tapos sabi nung boss ko, ‘yung station manager ko, maganda naman pakinggan. May kiliti sa dila ‘yung Lady Gracia para kakaiba.”

Mas gagawin na exciting ni Lady Gracia ang mga tanghali ninyo mga Kabarangay sa malalaking papremyo na ipamimigay nila sa Barangay Big Taym.

Nabuo ang newest program ng Barangay LS 97.1 dahil naging patok na segment ito sa afternoon radio program na Talk To Papa.

Paliwanag ni Ms. Trendy, “Kasi ‘yung Barangay Big Taym! Actually ito ay original ng Talk To Papa, kumbaga may segment sila pero one hour lang ‘yun, may segment sila sa Talk To Papa Big Taym. Namimigay sila ng mga papremyo, pero dahil nga nakita nung management siguro na maganda ‘yung response dito sa Big Taym mas pinahaba nila ‘yung oras. Kasi one hour is not enough para makapagbigay ng sobra-sobrang pera at makapagbigay ng saya.”

Max exciting ang tanghalian ninyo mga Kabarangay kasama ang newest addition sa Barangay LS 97.1 na si Lady Gracia na makakasama ninyo sa Barangay Big Taym!, tuwing Monday-Friday 11 AM-1 PM at sa Sabado Big Taym! naman mula 9 AM-12 NN.