WATCH: Paano nag-prepare si Patrica Javier sa Mrs. Universe Philippines Finest Women pageant? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Hindi biro ang naging preparasyon ng celebrity mom na si Patricia Javier nang sumali siya sa Mrs. Universe Philippines Finest Women noong September 8 sa Resorts World Manila sa Pasay City.

WATCH: Paano nag-prepare si Patrica Javier sa Mrs. Universe Philippines Finest Women pageant?

By AEDRIANNE ACAR


Hindi biro ang naging preparasyon ng celebrity mom na si Patricia Javier nang sumali siya sa Mrs. Universe Philippines Finest Women noong September 8 sa Resorts World Manila sa Pasay City.

LOOK: Patricia Javier crowned as Mrs. Universe Philippines

Ngayon taon, dalawang beauty queen moms ang itinanghal na panalo dahil si Patricia ang ilalaban next year sa Mrs. Universe international pageant at si Beau Singson ang official delegate ng bansa this 2018.

Sa panayam sa Sikat sa Barangay kay Patricia Javier, sinabi niya na marami siyang paghahanda na ginawa para sa naturang patimpalak.

Saad ng former sexy actress, “Unang-una is 'yung diet, don’t eat a lot. So pangalawa ‘yung exercise kailangan physically and mentally fit.”

Mayrun din si Patricia na sorpresa para sa kaniyang 20th anniversary sa showbiz this coming November.

Aniya, “Ako naman for this year, this coming November 16 I’m doing an Awareness for Wellness concert in Music Museum. Kasi po ako po ay 20 years na showbiz.”