WATCH: Actor-singer Guji, sumulat ng kanta para sa pumanaw na ina | GMANetwork.com - Radio - Articles

Guji Lorenzana, inilahad ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng bagong single na “Be Alright.” Alamin ang kuwento rito:

WATCH: Actor-singer Guji, sumulat ng kanta para sa pumanaw na ina

By AEDRIANNE ACAR

Nakakaantig ng puso ang naging inspirasyon ng singer-actor na si Guji sa pagsusulat ng kaniyang latest single na “Be Alright.”

WATCH: Paano nag-prepare si Patrica Javier sa Mrs. Universe Philippines Finest Women pageant?

Sa panayam niya sa Sikat sa Barangay kahapon, September 24, naikuwento ni Guji na alay niya ang kanta para sa pumanaw niyang ina dahil sa cancer.

Sobrang naka-relate din si Mama Belle sa pinagdaanan nang pamilya ni Guji dahil namatay din ang kaniyang mommy sa cervical cancer.

Sabi ni Guji, “I wrote this kasi ‘yung mommy ko na she passed away two months ago from [cervical] cancer.

"I wrote this for her nung nagche-chemotheraphy siya and ‘yun para alam niya na she will be okay. She will be alright, pray lang, fight lang nandito lang kami.

“And then, after two years of fighting cancer though chemotheraphy, radiation, yun she passed away.

"Dedicated to her and sa lahat ng mga naglalaban for cancer.”


Balikan ang nakakaantig ng puso na panayam ni Mama Belle kay Guji sa Sikat sa Barangay sa video na ito: