EXCLUSIVE: Ano ang sorpresa nina Lady Gracia at Papa Bol sa listeners ng 'Wanted Sweetheart' this Valentine's Day? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ready ka na bang ma-meet ang iyong 'forever' this Valentine's Day?

EXCLUSIVE: Ano ang sorpresa nina Lady Gracia at Papa Bol sa listeners ng 'Wanted Sweetheart' this Valentine's Day?

By AEDRIANNE ACAR

Ready na ba kayo sa matinding kilig na hatid nina Papa Bol at Lady Gracia sa Wanted Sweetheart: #WantedForever sa araw ng mga puso?

 

 
Lady Gracia at Papa Bol

 

EXCLUSIVE: Papa Ding, may payo kay Lady Gracia nang maging opisyal na Kabarangay

 

Tiyak papawiin ng dalawang magagaling na Kabarangay DJs ang lahat ng lumbay at bitterness this love month.

Sa one-on-one interview ni Lady Gracia sa GMANetwork.com ngayong araw, February 13, sinabi nito na hangad nila parehas ni Papa Bol na maalis ang negative vibes ng mga tao tuwing Valentine’s Day.

Wika ni Lady Gracia, “Kasi lagi na lang natin naririnig sa mga tao di ba na 'walang forever' lalo na ngayong Valentine’s Day na puro tayo ka-bitter-an. Gusto nila tanggalin ‘yung Feb. 14 sa kalendaryo, gusto natin tanggalin ‘yung buong buwan ng Pebrero.

“Eh ang gusto namin mangyari dito ngayong Valentine’s pausuhin natin uli ‘yung 'forever' di ba kaya nabuo ‘yung konsepto ng Wanted Sweetheart: #WantedForever kasi gusto namin bigyan ng chance ‘yung mga tao, tanggalin naming ‘yung ampalaya sa katawan nila. Palitan natin ng asukal 'yan mga beshie.”

Mahirap ba para kay Lady Gracia na magbigay ng love advice sa mga Kabarangay na mina-match nila sa Wanted Sweetheart?

Paliwanag niya, “Pagdating sa love advice kahit siguro hindi ka nagprograma ng ganito basta may experience ka about love o nakikita mo sa paligid mo, madali na lang ibigay kasi nakaka-relate ka dun sa mga tao naka-experience noon.”

Isang newbie DJ ng Barangay LS 97.1 si Lady Gracia na dati ay galing sa regional station sa Baguio.

Ayon sa kaniya, sobrang kumportable na daw siya bilang isang DJ dito sa Metro Manila.

Tugon niya, “Ito madaldal na [laughs]. Okey na okey na, ayos na ayos na. Kapang-kapang ko na talaga parang alam ko na ‘yung Manila crowd. Hindi na ganun kahirap kasi kinilala ko sila, ginusto ko kilalanin sila.

“Gusto ko ipakilala ‘yung sarili ko sa kanila para close na kami, para hindi na mahirap ilabas kung sino ako at kung ano nga ba talaga si Ms. Trendy Lady Gracia.”

Malaking tulong din daw ayon kay Ms. Trendy ang mga ginawa nilang campaign at TV commercials para sa Barangay LS nitong nagdaang buwan para mas lalo tumaas ang confidence niya sa kaniyang sarili.

“Malaking tulong ‘yung billboard, malaking tulong ‘yung mga ongoing TV commercials namin, kasi mas nagiging confident ako at mas napi-pressure in a good way, ‘yung pressure na kailangan ko galingan.”

Ano kaya ang dapat abangan ng fans sa Wanted Sweetheart this coming February 14?

Wika nito, “Bukas po mga Kabarangay dahil Valentine’s Day mas malaki ‘yung pasabog. Mayroon ipapakilala kami, tingnan natin kung swak ito doon sa hahanap na ka-forever niya bukas. Siyempre Valentine’s Day yan!”

 

 

 

 

 


 

Gawing extra special ang Valentine’s Day celebration ninyo sa pagtutok sa kilig tandem nila Papa Bol at Lady Gracia sa Wanted Sweetheart: #WantedForever bukas from 9 P.M. to 11 P.M.