WATCH: Wish fulfilled para kay Ruru Madrid ang bagong single na 'Nawawala' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ruru Madrid: "Isang pangarap na naman ang natupad sa akin.”

WATCH: Wish fulfilled para kay Ruru Madrid ang bagong single na 'Nawawala'

By AEDRIANNE ACAR

Itinuturing ni Ruru Madrid na highlight ng career niya  ngayong 2019 ang makapag-release ng solo single niya under GMA Music.

Ruru Madrid debuts hugot single "Nawawala"

Para sa Kapuso leading man, isang pangarap na naman niya ang natupad nang mai-release ang OPM song niyang ‘Nawawala.’

Sa one-on-one interview niya sa Sikat with Papa Obet, nagpasalamat ito sa mga GMA bosses para sa pagkakataon na ito na ibingay sa kanya.

“I’m very happy na nagtiwala sa akin ang GMA Music and of course my management din GMA Artist Center sa trust na ibinigay nila sa akin.”

“And sabi ko isang pangarap na naman ang natupad sa akin.”

Ibinahagi din ni Ruru kung ano ang meaning sa likod ng single niya na ‘Nawawala’.

Aniya, “Ito kasing Nawawala, basically, marami siyang hugot na kanta, kumbaga may mga bagay talaga na kahit gaano mo siya minamahal, kahit gaano mo pa inaangkin ang isang bagay minsan talaga wala tayong nagagawa, pero nawawala talaga sila.”

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Mr. Love Song sa Kapuso actor, nasabi rin nito na nakikita niya na maging direktor in the future.

Dagdag ni Ruru Madrid na madalas ay nag-o-observe tuwing taping para mapag-aralan din ang ‘dream’ job niya.

“’Yung pagiging aktor ko ito kasi passion ko talaga. Kumbaga, I love what I am doing and since nandito na rin ako sa ganitong field, I always wanted to become a filmmaker someday. Makapagtrabaho din ako na nasa likod ng camera.”

“Hindi ako masyado natutulog sa set. Ako yung matanong ako eh sobra!”

Balikan ang unli-chikahan ni Papa Obet with Ruru Madrid sa Sikat sa video below.


#ViralNaPo: Barangay LS "Feels Like Forever' digital short film reaches 1M views on FB!