'Liham ng Gabi' ng Barangay LS, mapapakinggan na rin sa DZBB
September 09 2026
Mas pinalawak ang paghahatid ng mga kuwentong kababalaghan at kuwentong misteryo ng numero unong programa tuwing Sabado ng gabi na Liham ng Gabi ni Lady Gracia ng Barangay LS 97.1, dahil ito’y mapapakinggan na rin sa Super Radyo DZBB.
Marami ang na-excite sa panibagong programa ng DZBB, ang temang kababalaghan at misteryo ay naging patok na mga programa sa radyo noong '90s, kaya para sa host ng programa na si Lady Gracia, magkahalong kaba at excitement ang panibagong yugto ng Liham ng Gabi. Makakaasa raw ang mga kabarangay at Kapuso listeners na ibabahagi nito ang mga kuwento ng ating mga Kapuso na puno ng kababalaghan at puno ng misteryo.
"Ang aasahan ng mga listener sa Liham ng Gabi, 'di lang mga nakasanayang mga kuwento tungkol sa lamang-lupa at ibang ligaw na kaluluwa. Hinaluan din ito ng mga misteryo, krimen, pati na rin ang mga kuwento ang mga anghel. Dito rin maiipapakilala ang mga paniniwalang espiritwal ng ibat ibang probinsya sa Pilipinas na posibleng nakalimutan na mga tao at 'di pamilyar ang bagong henerasyon," pahayag ng in demand host at DJ ng Barangay LS na si Lady Gracia.
Ang Liham ng Gabi ay mapapakinggan nang sabay sa Barangay LS at Super Radyo DZBB, tuwing Sabado, 9:00 p.m. hanggang 12:00 midnight. Mapapanood din ito sa official Facebook page ng Barangay LS at Super Radyo DZBB, gayun din sa radio icon ng GMA News App at sa www.gmanetwork.com/radio/streaming.
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus