EXCLUSIVES

Julie Anne San Jose and Abra collaborate in 'Dedma'

Published On: September 10, 2014, 5:54 PM
Natupad na ang matagal nang request ng fans! Nitong Linggo, September 7, ni-record na ng multi-platinum artist na si Julie Anne San Jose at ng talented composer/rapper na si Abra, ang kanilang collaboration single na pinamagatang 'Dedma.'
By CJ Mendoza

Matagal nang hinihintay ng fans ang collaboration ng dalawang pinaka-talentadong singers ng bagong henerasyon: ang 9x platinum artist na si Julie Anne San Jose at ang talented composer/rapper na si Abra (Raymond Abracosa).

Ngayong Setyembre, matutupad na ang request ng fans dahil nitong nakaraang Linggo, September 7, ni-record na nina Julie Anne at Abra ng kanilang collaboration single na pinamagatang 'Dedma'.

“This is it,” ang nakangiting pahayag ni Japs.

Excited ang dalawa dahil pareho nilang kinompose ang kanta.

“Ako ‘yung nagsulat ng verses, si Julie ‘yung nagsulat ng chorus [at] saka ng bridge,” kuwento ni Abra.

Love song daw ang Dedma. “Pagmamahal sa higher power,” paglilinaw ni Abra.

Ayon sa dalawa, noong Linggo, araw ng recording, lang daw nila narinig ang lyrics na kinompose ng bawat isa.

“The best part, I think, is ‘yung nag-isip kami ng concept, nagsulat s’ya, nagsulat ako, pero hindi kami nag-uusap. Ngayon lang ulit namin narinig 'yung isa’t isa. Narinig namin, tapos uy, swak, sakto,” ayon kay Japs.

Very personal raw ang lyrics ng kanta dahil sumasalamin daw ito sa religious beliefs nilang dalawa.

“Kung paano ‘yung totoong nangyayari sa atin ngayon. In terms of beliefs, religion, whatsoever. And of course, 'yung reality,” paliwanag ni Japs.

“Feeling namin kailangan siyang marinig, lalo na sa mga panahon ngayon na kada bukas mo ng news, ang daming iba’t ibang klaseng [mga balita]. Ang daming nagpapatayan, gyera, ang dami. Ba’t ang daming gulo? 'Di ba dapat ang mundo puro pagmamahal,” dugtong ni Abra.

Pangako pa ng rapper, “It’s worth listening to. Siguradong mabubulabog ang mga isip ninyo.”

Matapos daw ang recording ay gagawa na rin sila ng music video ng kanta. Abangan natin iyan mula sa GMA Records.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->