EXCLUSIVES

Julie Anne at Abra, gumawa na ng music video para sa 'Dedma'

Published On: October 23, 2014, 5:40 PM
Kapuso singer Julie Anne San Jose and fliptop rapper Abra shot their music video for 'Dedma' near Jones Bridge, Manila. 
By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Kagabi ay sumalang na sa isang music video shoot sina Julie Anne San Jose at Abra para sa kanilang kantang "Dedma."
 
Ang mga eksena sa kinasasabikang video ay kinunan malapit sa Jones Bridge sa Maynila. Layon daw nilang ipakita ang tunay na sitwasyon sa bansa na siya ring tema ng kanilang collaborative song.
 
“Dito nila maririnig kung pano na-neutralize ‘yung dark side and ‘yung lighter side ng belief natin sa higher power,” ani Julie Anne.
 
“Sa dami ng mga nangyayari sa mundo, parang isipin mo na lang kung may nagbabantay nga ba o dedma lang,” dugtong ni Abra.
 
Kuwento rin nilang dalawa na hiwalay man nilang isinulat ang ''Dedma'' ay nagtugma pa rin ang nais nilang kinalabasan ng kanilang first collaboration.
 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->