EXCLUSIVES

Janno Gibbs, thankful sa kanyang Star Awards nomination

Published On: September 23, 2015, 6:59 PM
Nominado ang King of Soul sa tatlong categories ngayong taon sa Star Awards for Music.
By CHERRY SUN

Hindi pa man nananalo ay nagpapasalamat na si Janno Gibbs para sa natanggap na nomination sa nalalapit na PMPC Star Awards for Music.

 

Thank you Star Awards for Music!:)

A photo posted by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs) on



Nominado ang OPM King of Soul sa categories na Male Pop Artists of the Year at Male Recording Artist of the Year, habang ang Novela carrier single niya na Lalaki Lang Ako ay nominado naman bilang Novelty Song of the Year.

Ang kanyang fellow GMA Records artists na sina Julie Anne San Jose, Jennylyn Mercado at Kylie Padilla ay napabilang din sa mga nominado sa nasabing award-giving body.

READ: Four GMA Records artists receive nomination in the PMPC Star Awards for Music

Ang mga mananalo ay iaanunsiyo at gagawaran ng parangal sa October 18.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->