EXCLUSIVES

Alden Richards, aminadong OC pagdating sa kanyang recording

Published On: September 30, 2015, 4:05 PM
“I’m not really a good singer but I know the difference between a good and a bad song. Siguro alam ko na kung mali ba ‘yung tono ko.” - Alden
By CHERRY SUN



Nalalapit na ang grand launch ng kinapapanabikang album ni Alden Richards kaya naman tuloy-tuloy lang ang pagre-record at paghahanda ng Pambansang Bae.

READ: Mark your calendars! October 17 is the grand launch of Alden Richards’ GMA Records album 

Kuwento ni Alden, very hands-on siya sa paggawa ng kanyang second album.

READ: ‘God Gave Me You,’ bahagi ng album ni Alden Richards 

“I’m very OC (obsessive-compulsive) when it comes to things that I do that will have a long term effect on me and dito sa career ko. I see to it that it’s flawless,” paghayag niya.

Pansin ito sa kanyang mga nakalipas na recording kung saan siya mismo ang pumupuna sa kanyang pagkakamali at nagre-request na ulit-ulitin ito.

Pag-amin niya, “I’m not really a good singer but I know the difference between a good and a bad song. Siguro alam ko na kung mali ba ‘yung tono ko.”

“I ask Sir Alwyn [Cruz], my recording coach, my producer na kung pwedeng one more [take] pa kahit okay na sa kanya. If I hear it na kung sa sarili ko hindi pa okay, I ask if I can do it again,” patuloy ni Alden.

Si Alwyn Cruz ang producer ng actor-host para sa karamihan ng kanyang kanta kabilang na ang Wish I May, habang si Kedy Sanchez naman ang kanyang producer para sa AlDub theme song na God Gave Me You.

WATCH: Alden Richards’ ‘Wish I May’ lyric video reaches more than 1 million views 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->