EXCLUSIVES

Album ni Willie Revillame, malapit nang i-release under GMA Records

Published On: February 12, 2016, 8:18 PM

Excited ka na ba sa bagong album ni Kuya Wil?

By CHERRY SUN

Ipinasilip ng Wowowin host and recording artist na si Willie Revillame ang kanyang bagong album under GMA Records sa kanyang programa kahapon (February 11).

“Sabi ko pagbalik ko sa TV na araw-araw, gusto ko nang i-launch ‘yang album na ‘yan. Napakagandang kanta po galing sa puso,” sambit ni Kuya Wil, kasunod ang pag-anunsiyo na mas pinahaba at mas pinaaga na ang oras ng Wowowin araw-araw.

Nando’n Ako ang pamagat ng kanyang album na distributed under GMA Records. Pareho ang pamagat ng carrier single nito na isinulat ni Mr. Vehnee Saturno. Mapakikinggan din sa album ang "Akala Ko" composed by Ogie Alcasid at "Ganyan Ako" composed by Lito Camo.

Kasama rin sa album ni Kuya Wil ang mga kantang "Kanlungan," "Matapos Man ang Kailanman," "Sandal Ka Na," "Salamat Sa Inyo," at ang instrumental version ng "Ikaw Na Nga" bilang bonus track.

Para sa karagdagang updates, manatiling tumutok sa GMANetwork.com!

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->