EXCLUSIVES

Derrick Monasterio, naluha habang nire-record ang 'Give Me One More Chance'

Published On: April 25, 2016, 5:23 PM
Dama raw ng Kapuso hunk at GMA Records artist ang emosyon sa kanta. Hindi man pinangalanan, inamin din niyang may naalala siyang isang tao habang inaawit ito.
 

A photo posted by @derrickmonasterio on

 

“Give me a sign that you’ll still be around, Baby give me one more chance.”

Ito ang linya mula sa kantang “Give Me One More Chance” ni Derrick Monasterio na nagpaiyak daw sa kanya habang rine-record ang kanyang carrier single.

Dama raw ng Kapuso hunk at GMA Records artist ang emosyon sa kanta. Hindi man pinangalanan, inamin din niyang may naalala siyang isang tao habang inaawit ito.

WATCH: Derrick Monasterio asks, “Give Me One More Chance”

Paghahalintulad niya, “Ano siya, parang nag-break kayo tapos nanghingi ka ng isang chance kasi love mo pa siya.

“Kasi pag inisip mo po talaga, pag humanap ka ng tao, ng choice sa utak mo tapos kinanta mo ‘yan, automatic eh,” patuloy ni Derrick.

Paliwanag ni Derrick, kahit naiyak siya sa recording ay hindi ito nakasama ngunit lalong nakaganda sa kanyang carrier single.

“Ang tunay na singer, nafi-feel niya ‘yung kanta like tumatagos sa puso mo, nalalabas, naririnig [‘yung emosyon sa kanta],” aniya.

MORE ON DERRICK MONASTERIO:

Derrick Monasterio, tatalakayin ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig sa kanyang upcoming album

READ: Derrick Monasterio believes everything is falling into place with release of his GMA Records album

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->