EXCLUSIVES

Julie Anne San Jose, bigay-todo sa kanyang 'In Control' concert

By CHERRY SUN
Published On: May 16, 2016, 7:59 PM

Bigay-todo si Julie Anne San Jose sa kanyang 10th anniversary concert na In Control na idinaos noong Sabado, May 14, sa Kia Theater.

Bigay-todo si Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa kanyang 10th anniversary concert na In Control na idinaos noong Sabado, May 14, sa Kia Theater.
 
Special guests ni Julie sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Tom Rodriguez at ang grupong kanyang pinanggalingan, ang Sugarpop. Nakasama rin niya on stage ang G-Force. Sambit niya sa kanyang panayam sa 24 Oras na ang In Control ay handog daw niya sa mga taong naging bahagi ng kanyang showbiz career.
 
READ: ‘In Control’ concert ni Julie Anne San Jose, isang pasasalamat sa kanyang mga fans
 
Aniya, “Talagang ni-make sure namin na special itong gabing ito and special ‘tong celebration na ‘to kasi siyempre nandito rin ‘yung fans na talagang sumuporta sa akin. Since day one ng showbiz career ko nandoon pa rin sila hanggang sa kung nasaan man po ako ngayon.”
 
Ang mga nasaksihan daw sa kanyang concert ay pagpapatunay ng kanyang mga pinagdaanan sa kanyang buhay bilang isang artista at mang-aawit.
 
READ: Why Julie Anne San Jose titled her 10th anniversary concert ‘In Control’
 
“I started at a very young age. Kumbaga parang nandoon na ‘yung mga milestones ‘tsaka mga turning points ng career ko ‘di ba. Kumbaga masasabi ko na medyo marami na rin ako napagdaanan,” paliwanag ni Julie.

 



Video courtesy of GMA News

MORE ON JULIE ANNE SAN JOSE:

 

 

WATCH: Julie Anne San Jose and Rodjun Cruz duet to Seether’s Broken
 
MUST-READ: 5 revelations you missed from Julie Anne San Jose’s live Q&A 

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->