EXCLUSIVES

WATCH: Alden Richards alay ang 'Upsurge' concert para sa yumaong ina

By AEDRIANNE ACAR
Published On: May 18, 2017, 11:50 AM

Todo bigay sa pag-eensayo ang Pambansang Bae Alden Richards para sa sold-out na 'Upsurge' concert niya sa May 27.

Todo bigay sa pag-eensayo ang Pambansang Bae Alden Richards para sa sold-out na 'Upsurge' concert niya sa Kia Theatre sa May 27.

Nangako ang Kapuso actor ng isang all-out performance para sa fans at ipapamalas niya ang kaniyang husay sa pagkanta.

Ayon kay Alden sa panayam sa Chika Minute, “It’s gonna be a one full-packed show, performances , sketches. 'Tsaka ‘yung mga songs na usual kong kinakanta iniba nang approach so abangan nila ‘yun.”

Inaalay din ng Pambansang Bae ang kaniyang concert para sa yumaong ina na si Rosario Faulkerson na number one fan nito.

“She’ll be very happy and she’s my number one fan. Pero everything that I am doing naman is still for her.”

Makakasama rin ni Alden sa Upsurge concert ang co-star niya sa Sunday PinaSaya na si Jerald Napoles.

Ano-ano naman kaya ang sorpresa inihanda ng dalawa?

Ayon Kay Jerald, “All of the productions here sa concert is going to be big. Because it’s a big concert for Alden.”

Sa nalalabing araw naman ng hit romantic series nila ni Maine Mendoza na Destined To Be Yours, may mga ini-reveal si Alden patungkol sa mga dapat abangan ng AlDub fans na eksena na tiyak magpapakilig sa mga ito.

 “Nanaig na ‘yung love ni Benjie and Sinag sa isa’t-isa, kung ano ‘yung mga ginagawa nila para mapaglaban ‘yung feelings nila  for each other.”

Video from GMA News

More on AlDub:

IN PHOTOS: Maine Mendoza's sexy & black OOTD sends social media into a frenzy

IN PHOTOS: Celebs na tinamaan ng AlDub fever

LOOK: 14 must-see AlDub throwback photos

 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->