EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: Rita Daniela, naghahanda na para sa kanyang second album

By Marah Ruiz
Published On: October 5, 2017, 4:25 AM

The sophomore album of Rita Daniela will be full of "hugot." 

Busy ngayon si Kapuso singer and actress Rita Daniela sa mundo ng teatro dahil nabingwit niya ang role ni Perla sa musical adaptation ng Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag.

Regular din siyang napapanood sa GMA Afternoon Prime series na Impostora bilang ang airhead na si Maureen. 

Gayunpaman, naghahanda na rin si Rita para sa kanyang upcoming sophomore album. 

"Lalabas na rin soon 'yung upcoming single ko for my second album," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Siguro" ang title ng kanta at si Rita at isa sa kanyang mga kaibigan ang nag-compose nito.

"I hope that everyone finds their sigurado in this world of siguro. That's the story of the song," paliwanag niya.

Ganito rin daw ang magiging tema ng karamihan ng mga awit sa album. Gusto rin daw ni Rita na maglagay ng mas maraming Tagalog songs sa album na ito. 

"For me, masarap kasi kumanta talaga ng Tagalog. Mas nafi-feel mo. 'Yung mga Pinoy kasi sobrang mahilig silang mag-emote 'tsaka hugot. Kung ito, hugot talaga! It's really a hugot song. I think naman na magugustuhan 'to ng mga tao," pagtatapos niya. 

Nakatakda rin lumabas si Rita sa Spotlight Music Sessions na opisyal nang maglo-launch sa October 10. 

Patuloy na bumisita sa GMANetwork.com para sa iba pang updates. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->