EXCLUSIVES

WATCH: Rita Daniela performs two songs for 'Spotlight Music Sessions'

By MARAH RUIZ
Published On: October 11, 2017, 4:24 AM

Masaya ang Kapuso actress/singer sa mga kantang napili para awitin niya sa pinaka bagong online music show ng GMA.

Dalawang kanta ang napiling i-perform ni Kapuso singer and actress Rita Daniela para sa bagong online music show na Spotlight Music Sessions.

Narito ang cover niya ng 'Sa Aking Panaginip' na orihinal na kanta ni Ultimate Star Jennylyn Mercado. 

 

"'Pag narinig mo 'yung original, sobrang layo! Ang saya-saya ko kasi ang layo noong nagawa namin. Masasabi kong it really has a new sound," kuwento ni Rita sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com

Umawit din si Rita ng isa sa mga orihinal niyang kanta, ang 'Hahanap-hanapin Ka.'

"It was from my first album. It was composed by sir Toto Sorioso. Naging theme song siya ng My Faithful Husband," paglalarawan niya sa kanta. 

 

 

Bukod kay Rita, nag-perform din sa Spotlight Music Sessions sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes, pati na sina Chi at Gabs Gibbs.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->