EXCLUSIVE: Si Janno Gibbs ay 'Nagbabalik' | GMANetwork.com - Records - Articles

Isang bagong album ang handog ng OPM King of Soul and GMA Records artist na si Janno Gibbs sa kanyang pagbabalik sa music scene.

EXCLUSIVE: Si Janno Gibbs ay 'Nagbabalik'

By BY CHERRY SUN

Isang bagong album ang handog ng OPM King of Soul and GMA Records artist na si Janno Gibbs sa kanyang pagbabalik sa music scene.

Ngayong araw, January 8, ay available na sa digital stores ang comeback album ni Janno na “Nagbabalik.”

 

“Happy to announce my new album is out! Hope you guys give it a try,” aniya.

 

Kasama sa album ang kanyang original na “Nagbabalik,” ang dalawang versions ng “My Jagiya,” at ang kanyang cover ng “One Day” kasama ang mga anak na sina Chi at Gabs, at ang duet ng kanyang mga anak ng “New Rules” ni Dua Lipa.

Ang huling album na ni-release ni Janno ay ang “Novela” under GMA Records noong  2015.