EXCLUSIVES

Unang Tagalog single ni Migo Adecer, available na

By CHERRY SUN
Published On: February 8, 2018, 5:55 PM

Excited ang Kapuso singer-actor sa kanyang unang Tagalog single, ang 'Suntok Sa Buwan,' now available in your favorite digital stores. 

Simula ngayong araw, February 8, ay available na ang unang Tagalog single ni Migo Adecer.

Inanunsyo ng GMA Records na maaari nang ma-download at mapakinggan online sa iTunes, Spotify, at ibang digital stores ang kantang 'Suntok Sa Buwan' ni Migo.

Ayon sa Kapuso singer-actor, ang 'Suntok Sa Buwan' ang isa sa mga dapat abangan ng kanyang fans dahil ito ang unang pagkakataon na nag-record siya ng isang Tagalog song.

Aniya, “I am personally excited to share with you my very first Tagalog song, 'Suntok Sa Buwan.' Hope you like it.”

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->