EXCLUSIVES

Kristoffer Martin, gustong mag-experiment sa musika

By Maine Aquino
Published On: February 26, 2018, 4:49 PM

May ilang detalyeng ibinahagi si Kristoffer Martin para sa kanyang fans na na-impress at na-hook sa kanyang latest single mula sa GMA Records na "Paulit Ulit." 

May ilang detalyeng ibinahagi si Kristoffer Martin para sa kanyang mga fans na na-impress at na-hook sa latest single mula sa GMA Records na "Paulit Ulit." 

LOOK: Kristoffer Martin shoots music video for "Paulit Ulit"

Ngayong February 26, ibinahagi ng Kapuso star sa isang pocket press conference ang kuwento ng kanyang single.

Ayon kay Kristoffer, ang "Paulit Ulit" ay tumatalakay sa pagmamahal sa isang tao. Aniya, "The song is about falling in love over and over again. Kumbaga kung maihahambing ko parang mga high school ako kasi parang kahit ano'ng mangyari sa niligawan ko, paulit ulit. Kumbaga puppy love, young love."

 

Finally it’s out! Paki pakinggan ng paulit-ulit please! Haha

A post shared by Kristoffer Martin Dangculos (@kristoffermartin_) on

 

Nilinaw naman ni Kristoffer na ang kanyang single muna ang proyektong ginawa niya under GMA Records pero looking forward umano siya sa paggawa ng isang album. Saad ng aktor, gusto niyang mag-experiment pagdating sa mga kanta at ang style ng international singer na si Zayn Malik ang kanyang inspirasyon.

"Ako po kasi gusto ko ng safe eh, experimental kasi muna. Kumbaga ito pa lang 'yung kanta na kinikilala ako as a singer. Pero kung genre, gusto ko mala-Zayn Malik, more on pop pero OPM." 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->