EXCLUSIVES

Alden Richards records single for his upcoming GMA Records album

By Bianca Geli
Published On: April 6, 2018, 6:49 PM

Ipinasilip ni Pambansang Bae Alden Richards ang recording ng unang single niya para sa kanyang bagong GMA Records album.

Ipinasilip ni Pambansang Bae Alden Richards ang recording ng unang single niya para sa kanyang bagong GMA Records album.

 

Aniya, mas pinaghahandaan niya ito kaysa sa mga nakaraang niyang album. “Ganun naman tayo when we do something, we always see to it that’s it’s one level higher or a step higher than the previous albums. So ito feeling ko magiging maganda ‘yung line-up niya. So sana suportahan pa rin tayo ng mga Kapuso,” paliwanag niya.

Isang revival song ang ni-record ni Alden na magiging parte ng kanyang album. "It’s a selfless song. It’s about giving up yourself to be with someone who’s in need, telling people that no matter what happens, you will always be in their presence," pagtukoy ng singer sa kanyang hindi pa niya pinangalanan.

Kuwento rin ni Alden, may isa pa siyang sorpresang hinahanda para sa kanyang mga fans. “Meron isa pang special project na hindi ko pa puwedeng i-disclose,” bahagi niya.

Bukod dito, may makaka-collaborate rin daw siya para sa kanyang upcoming album. “One Up, tapos nag-iisip pa ako since it’s gonna be six songs so tignan ko aside from One Up [kung] may makukuha pa tayo for collaboration para maiba naman din, different flavor,” pahayag niya.

Nakatakdang i-release ang bagong GMA Records album ni Alden ngayong taon. “Baka po third quarter lumabas na siya. Pero the single will come out first, early May,” pagtatapos ng Kapuso singer/actor.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->