EXCLUSIVES

#ChallengeAccepted: GMA Records, pumayag sa hamon ng fans na gawan ng concert si Kyline Alcantara

By CHERRY SUN
Published On: April 26, 2018, 4:13 PM

Tinanggap ng GMA Records ang hamon ng mga fans na gawan ng concert si Kyline Alcantara kapag nag-1 million ang views ng kanyang Spotlight Music Sessions video at umabot sa 50,000 subscribers ang kanyang YouTube channel.

Tinanggap ng GMA Records ang hamon ng fans ni Kyline Alcantara na mag-produce ng concert para sa young Kapuso star sa ilalim ng ilang kundisyon.

Mababasa sa Instagram account na @kylinealcantaraworldwide_, “Hi, @gmarecords pwede bang makipagdeal sa inyo kapag napaabot namin ng 1M yung Sundo ni Kyline and umabot sa 50,000 subscribers yung channel niya ay ipoproduce niyo si Kai ng concert?? Pleaseeee.”

Ang tinutukoy ng supporters ng aktres ay ang performance ni Kyline sa Spotlight Music Sessions at personal YouTube channel nito.

 

“Challenge accepted, Sunflower universe,” naging mabilis na tugon naman ng Kapuso music label.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->