EXCLUSIVES

'Inday Will Always Love You' theme songs, now available on iTunes and Spotify

By Bea Rodriguez
Published On: June 19, 2018, 4:35 PM

Ang 'Inday Will Always Love You' theme songs na "Naiinlove Ako Sa Iyo" at "Malay Mo Maging Tayo" ay available na for download and streaming! 

Mapapakinggan na ang official theme songs ng top-rating GMA Telebabad soap na Inday Will Always Love You sa digital music services na iTunes at Spotify.

Ang “Naiinlove Ako Sa Iyo” ay kinanta ng Kapuso love team at lead stars ng kiligserye na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

 

Ang ina naman ni Inday na si Manilyn Reynes ay ang boses sa likod ng “Malay Mo Maging Tayo.”

 

 

Available nang i-download at i-stream sa mahigit 180 digital stores worldwide ang mga kantang pinapasikat ng inyong paboritong Kapuso stars.

Abangan naman gabi-gabi ang tamis at pait ng buhay ni Happylou sa Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal, Karibal.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->