EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: Alden Richards, seryoso sa paghahanda para sa second solo concert

By Interview by Felix Ilaya, Written by Cherry Sun
Published On: July 6, 2018, 5:21 PM

Desidido si Alden Richards na lalo pang paghusayan ang kanyang performance para sa kanyang second solo concert, ang ‘Adrenaline Rush.’

Desidido si Alden Richards na lalo pang paghusayan ang kanyang performance para sa kanyang second solo concert, ang ‘Adrenaline Rush.’

READ: Ticket details para sa #AldenAdrenalineRushConcert

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ng Pambansang Bae na nakakaramdam siya ng pressure para sa nalalapit niyang concert. Naging matagumpay kasi ang kanyang unang concert na 'Upsurge' at ayaw daw niyang biguin ang kanyang mga tagahanga.

Sambit ni Alden, “Kasi siyempre there will be a comparison after the show, most likely. Ayaw nating marinig ‘yung mas maganda ‘yung una, ayaw natin ‘yun.”

Bilang bagong handog sa kanyang supporters, patitindihin daw ang kanyang production numbers.

Aniya, “Siguro i-evaluate namin per production number, and then we’ll try to top it, kung anong magandang ibang twist na pwede.”

Nagsisimula na rin daw ang kanyang paghahanda ngayon.

“I’ve recorded a few songs already for the upcoming album, and then siyempre kailangan nating i-practice ‘yung mga production numbers, so siguro ‘yung being physically fit kasi it requires a lot of energy kasi like nung concert ko before parang medyo hindi ako fit nun. So ngayon, kailangan, mas extra,” wika ni Alden.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->