LOOK: Alden Richards, hands-on sa paghahanda para sa kanyang solo concert
Dumalo mismo si Alden Richards sa meeting para siguraduhin ang mga plano para sa kanyang nalalapit na concert. Determinado kasi ang Pambansang Bae na higitan ang kanyang mga ginawa sa nauna niyang concert na ‘Upsurge.’

Makikita sa mga litratong kuha ng GMA Records kung gaano ka-hands-on si Alden sa planning stage ng kanyang ‘Adrenaline Rush’ concert.
Kasama ng Pambansang Bae sa meeting ang kanyang talent managers, GMA Records Executives, at Line Production team sa pamumuno nina Direk GB Sampedro at Musical Director Marc Lopez.
Available pa rin ang ‘Adrenaline Rush’ concert sa TicketNet.