EXCLUSIVES

WATCH: Kyline Alcantara, sino ang gustong makasama sa kanyang concert?

By CHERRY SUN
Published On: July 13, 2018, 11:43 AM

Alamin kung sinong Kapuso singer-actress ang gustong makasama ni Kyline Alcantara sa kanyang nalalapit na concert.

Hands-on at excited na si Kyline Alcantara sa kanyang solo concert na ‘Kyline Take Flight.’ Maliban kasi sa mga inihahanda niyang gimik, looking forward ang La Nueva Kontrabida sa mga makakasama niya rito.

Tickets para sa ‘Kyline Take Flight,’ available na

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, ibinahagi ni Kyline na ang kanyang concert ay magsisilbi bilang kanyang thanksgiving party at birthday concert. Dito rin daw ilo-launch ang mga kanta na bahagi ng kanyang album under GMA Records.

Aniya, “Marami na pong pang-millenial songs and ‘yun naman po ang importante para sa akin, connection with the millenials.”

Magde-dedicate din daw siya ng isang performance para sa kanyang lolo na nag-impluwensiya sa kanya pagdating sa musika.

Paliwanag ni Kyline, “Palaga niya po ako inaaya na makipag-videoke sa kanya. Pag bored kami, ‘yun ‘yung ginagawa namin. Kumbaga ‘yun po ‘yung bonding time namin.”

Ayon sa ulat, nagsimula na rin daw si Kyline na mag-imbita ng kanyang special guests sa ‘Kyline Take Flight.’ Inimbitahan na rin daw niya manood sa kanyang concert ang kanyang Kambal Karibal co-stars tulad nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Pauline Mendoza.

Umaasa raw siyang makasama rin sa kanyang concert ang kanyang iniidolong si Julie Anne San Jose.

“Gusto ko po talaga siya makasama eh, like singer din po siya and she’s a dancer also. She’s so talented,” wika ni Kyline.

Ang concert ni Kyline ay magaganap sa SM Sky Dome sa September 8.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->