EXCLUSIVES

EXCLUSIVE: 'I Will Be Here,' handog ni Alden Richards para sa mga lolo at lola

By Marah Ruiz
Published On: July 17, 2018, 4:36 PM

Sa pamamigtan ng kanyang bagong music video nais paalalahanan ni Alden Richards na kailangan natin pahalagahan ang buhay at oras ng ating mga lolo at lola.  "Nandiyan pa sila. We still have people to take care of."

 

Makabuluhan para kay Kapuso singer and actor Alden Richards ang kanyang latest single na "I Will Be Here." Sa katunayan, siya raw mismo ang pumili sa awit. 

"Personal choice ko siya. Because of mga current events lately, nagiging alone 'yung mga tao. 'Yung song kasi maganda 'yung message niya," paliwanag ni Alden sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Pati daw ang music video para sa awit, may malalim na kahulugan para sa kanya. 

"Siguro that's one of the memorable music videos I've done kasi iba siya eh. It dealt with the elderly, 'yung nasa mga homes. Doon kami nag shoot," kuwento niya.

Inilarawan niya ang video bilang isang "reminder" para sa kanya at sa mga makakapanood nito. 

"For me, since everything is happening so fast lately, marami tayong nakakalimutan. The music video is a reminder na nandiyan pa sila [and] we still have people to take care of. That's really the purpose of the video—for people to be reminded na nandiyan pa sina lolo at lola," pagpapatuloy niya. 

Matatandaang malapit si Alden sa mga senior citizens. 

Isang lola na nakilala niya sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga ang pinangakuan niya ng monthly allowance. 

Isang lola din ang personal niyang nakilala matapos mapagalamang pumunta ito sa kanyang show kahit bagong opera. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->