EXCLUSIVES

Kyline Alcantara, nagre-recording na para sa kanyang upcoming album

Published On: July 19, 2018, 9:41 AM

Nagre-record na ang singer-actress para sa album niya na may limang kanta, kabilang dito ang "Bukas Na Lang." Alamin ang detalye sa interview ng '24 Oras.'

Natupad na ang pangarap ni Kyline Alcantara na maging isang ganap na recording artist. Nagre-record na ang singer-actress para sa album niya na may limang kanta na iba't iba ang genre. Isa dito ay ang kantang "Bukas Na Lang."

Kuwento niya tungkol sa meaning nga kanta, "Andun na po siya sa nakikipag-break na 'yung someone dito sa someone. So parang nakikiusap ako na puwedeng bukas na lang para handa 'yung puso ko. [Para makanta ko ito] iniisip ko na lang kung what if nandun ako sa situwasyon nung girl na nakikipag-break sa kanya 'yung guy."

Natutuwa rin si Kyline sa opportunity na binigay sa kanya ng GMA. Ika niya, "Natupad na rin, at last. And sana talaga maging successful itong album na ito, and sana ma-appreciate ng lahat ng sunflowers ko, dahil paghihirapan ko po talaga ito."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->