WATCH: Kyline Alcantara, nag-pictorial para sa kanyang concert album | GMANetwork.com - Records - Articles

Tuloy-tuloy ang paghahanda ni Kyline Alcantara para sa kanyang nalalapit na concert at unang album. Silipin ang kanyang paghahanda sa interview ni Lhar Santiago para sa '24 Oras.'

WATCH: Kyline Alcantara, nag-pictorial para sa kanyang concert album

By CHERRY SUN

Tuloy-tuloy ang paghahanda ni Kyline Alcantara para sa kanyang nalalapit na concert at unang album. Sa katunayan, ang La Nueva Kontrabida, sumalang na sa kanyang pictorial.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, dasal daw ng dasal si Kyline para sa success ng ‘Kyline Take Flight’ na gaganapin sa SM Sky Dome sa September 8.

Aniya, “Syempre po kinakabahan po ako dahil hindi ko po alam kung ano magiging reaction ng mga tao, ng mga Sunflowers ko.”

 

Pagbahagi rin niya ng kanyang preparations, “Dance lesson, voice lesson, and ano ba… siguro pine-prepare ko lang po ‘yung sarili ko para sa lahat ng mangyayari so ayun, gusto ko mag-gym. Sana po mag-gym ako, sana may time.”