Kyline Alcantara, muling dadalo sa on-ground ticket selling ng kanyang concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Due to insistent demand mula sa kanyang supporters, ilang seats ang bubuksan para sa concert ni Kyline Alcantara at siya mismo ang dadalo sa on-ground ticket-selling nito.

Kyline Alcantara, muling dadalo sa on-ground ticket selling ng kanyang concert

By CHERRY SUN

Due to insistent demand mula sa kanyang supporters, ilang seats ang bubuksan para sa concert ni Kyline Alcantara at siya mismo ang dadalo sa on-ground ticket-selling nito.

Ngayong Sabado, August 25, ay may additional silver seats na ibebenta para sa ‘Kyline Take Flight’ concert na magaganap sa SM Sky Dome sa September 8. Sa parehong concert venue rin magaganap ang ticket-selling kung saan may pagkakataon ang fans ni Kyline na makasalamuha siya.

Ang unang 200 buyers ay makakatanggap din ng special edition baller ID.