Kyline Alcantara, nominado sa PMPC Star Awards for Music 2017-2018 | GMANetwork.com - Records - Articles

Nominado sa New Female Recording Artist of the Year (2018) si Kyline Alcantara para sa kaniyang kantang "Sundo" under GMA Records.

Kyline Alcantara, nominado sa PMPC Star Awards for Music 2017-2018

By MAINE AQUINO

Isa sa mga nominado si Kyline Alcantara sa gaganapin na PMPC Star Awards for Music 2017-2018.

Si Kyline ay nominado sa New Female Recording Artist of the Year (2018) para sa kantang "Sundo" under GMA Records.

Ngayong taon gaganapin ang "two-in-one" show para parangalan ang mga personalidad mula sa 2017 and 2018 editions.

Ibinalita ni Kyline na parte siya ng listahan sa kanyang inupload sa Instagram stories.

 

 

Ang awarding para sa PMPC Star Awards for Music 2017-2018 ay gaganapin sa darating na September 9 sa Resorts World Manila.