WATCH: Kyline Alcantara, ipinasilip ang mga damit na isusuot sa upcoming concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Sa September gaganapin ang concert ni Kapuso teen star Kyline Alcantara na pinamagatang 'Kyline Take Flight.' Silipin ang kanyang mga isusuot na damit.

WATCH: Kyline Alcantara, ipinasilip ang mga damit na isusuot sa upcoming concert

By MARAH RUIZ

Sa September gaganapin ang concert ni Kapuso teen star Kyline Alcantara na pinamagatang Kyline Take Flight. Ito rin ang magsisilbing 16th birthday celebration niya. 

"Nakapag-band rehearsals na po kami, dance rehearsals. Nangangalahati na po ako [sa mga paghahanda]," pahayag niya. 

Ipinasilip din ni Kyline ang ilang sketches ng mga damit na isusuot niya sa concert.

Kabilang na rito ang mga damit na may disenyong sunflower. Para raw ito sa kanyang fans na binansagan niyang "Sunflowers."

"'Yung may sunflower po, approved na po talaga 'yan sa akin," aniya. 

Isusuot din niya ang boots na iniregalo sa kanya ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 

May inihahanda rin daw si Kyline na special number. First time daw niya itong gagawin kaya sorpresa raw ito para sa mga manonood ng concert. 

"Ni-request ko po 'yun. Magpe-play po ako ng isang instrument na rare lang po 'yung babae 'yung magpe-play noon," kuwento niya. 

Titiyakin daw niya na mag-e-enjoy ang mga dadalo sa kanyang concert. 

"This is what I want so parang nilalasap ko siya ngayon. I don't want to disappoint may fans. That's why I'm really trying my best and doing my best para mapasaya sila," ani Kyline. 

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay na Buhay.