EXCLUSIVE: 'Adrenaline Rush' director, kinumpirma ang gagawing pasiklab ni Alden Richards | GMANetwork.com - Records - Articles

Mas matapang na Alden Richards daw ang masasaksihan natin sa ‘Adrenaline Rush,’ ayon sa concert director nito na si GB Sampedro.

EXCLUSIVE: 'Adrenaline Rush' director, kinumpirma ang gagawing pasiklab ni Alden Richards

By CHERRY SUN

Mas matapang na Alden Richards daw ang masasaksihan natin sa ‘Adrenaline Rush,’ ayon sa concert director nito na si GB Sampedro.

Paliwanag ng direktor tungkol sa second major concert ng Pambansang Bae, “Adrenaline-charged na concept ‘yung ‘Adrenaline Rush.’ ‘Yun nga, nagsimula kami kasi doon sa ‘Upsurge’ na medyo water ‘yung inspiration namin sa concept. Ito, sa air naman kami. Maraming pasiklab, sorpresa.”

Ang mga intense production numbers daw and pinaka binibigyang-atensyon ni Alden at ng kanilang team ngayon. Dagdag pa niya, kung may nagbago man sa Kapuso actor-singer mula nang makatrabaho niya ito sa unang concert,  nabawasan daw ang takot ng Pambansang Bae.

EXCLUSIVE: Concert director GB Sampedro on Alden Richards: "Hindi lumalaki 'yung ulo"

“Mas lumawak ‘yung genre na gusto niyang gawin. Siguro ‘yung first kasi siyempre first concert niya ‘yun, doon muna siya sa medyo comfort zone. So ngayon medyo willing na siya lumabas sa comfort zone niya in terms of performance, in terms of genre, in terms of ‘yung mga pwedeng gawin within the number,” sambit ni Direk GB sa exclusive interview ng GMANetwork.com.