WATCH: Kyline Alcantara, ready na para sa 'Kyline Take Flight' concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Handa na si Kyline Alcantara para sa kanyang first major concert, ang ‘Kyline Take Flight,’ na magaganap sa SM Sky Dome ngayong Sabado, September 8.

WATCH: Kyline Alcantara, ready na para sa 'Kyline Take Flight' concert

By CHERRY SUN

Handa na si Kyline Alcantara para sa kanyang first major concert, ang ‘Kyline Take Flight,’ na magaganap sa SM Sky Dome ngayong Sabado, September 8.

Ibinahagi ng Kapuso singer-actress sa panayam ng Unang Balita ang ilang mga kaabang-abang na pasabog na tiyak daw magugustuhan ng kanyang fans.

Sambit niya, “The performer’s side of me and then meron po akong ipe-play na instrument na rare lang ‘yung girls ang magpe-play and siyempre ‘yung special guests ko.”

“Super millennial. Marami pong makaka-connect sa akin. But even though na millennial siya, siyempre po, makaka-connnect pa rin po doon sa concert ko ‘yung mga elderlies natin,” dugtong din niya.

READ: Why millennials should watch Kyline Alcantara's first major concert

Buong pasasalamat daw ang inaalay ni Kyline para sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Aniya, “I’m just so happy, thankful, and I just feel so blessed kasi siyempre po, malaking tiwala agad ‘yung binigay sa akin ng GMA, ng GMA Records, ni God para gawin ‘tong mga bagay na ‘to. And I promise na hindi ko sila idi-disappoint lahat.”

Sa parehong interview ay ikinuwento niya ang mga kantang dine-dedicate niya sa kanyang pamilya, bashers, pangarap at sa sarili. Paliwanag ni Kyline, ang kantang “Listen” ni Beyonce ang awit niya para sa sarili.

Wika niya, “Listen because ngayon gusto kong pakinggan nila kung ano ‘yung mga pangarap ko and kung ano ‘yung gusto kong i-achieve sa buhay, and sana makinig po kayong lahat.”

Panoorin: