EXCLUSIVE: Betong Sumaya, namigay ng libreng tickets sa fans ni Kyline Alcantara | GMANetwork.com - Records - Articles

Namigay nang libreng tickets sa ‘Kyline Take Flight’ concert si Betong Sumaya para sa tatlong tagahanga ni Kyline Alcantara.

EXCLUSIVE: Betong Sumaya, namigay ng libreng tickets sa fans ni Kyline Alcantara

By CHERRY SUN

Namigay nang libreng tickets sa ‘Kyline Take Flight’ concert si Betong Sumaya para sa tatlong tagahanga ni Kyline Alcantara.

Tatlong masuwerteng fans ang nakatanggap ng libreng Platinum tickets para sa unang concert ni Kyline dahil sa kabutihang loob ni Betong. Ang hindi alam ng komedyante, nakunan pala ng GMA Records ang kanyang mabuting ginawa.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Betong Sumaya attends "Take Flight" concert and gives away Platinum tickets to 3 avid fans of Kyline Alcantara. ????

Isang post na ibinahagi ni GMA Records (@gmarecords) noong

 

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Betong ang buong naganap.

Aniya, “Nakita ko kasi na ung 3 fans ni Kyline eh gusto talagang manood kaya lang kulang ang pambayad nila, tamang-tama naman na may extra tikets ako. Kaya nagdesisyon akong sa kanila na lang ibigay ang tickets. Masarap makita na sa maliit na paraan ay napaligaya ko silang makita ng personal ang kanilang iniidolo."

Maliban sa pagsuporta ni Betong kay Kyline, magiging bahagi rin siya ng concert ni Alden Richards, isa pang GMA Records artist, bilang guest performer nito sa ‘Adrenaline Rush’ na magaganap sa Kia Theater ngayong September 21.