
Marami ang nakapansin sa looks ng seasoned actress na si Jean Garcia sa GMA Gala 2024.
Ilang araw matapos ang engrandeng event, isang reel ang inupload ni Jean sa Instagram, kung saan ibinida niya ang kanyang stunning looks at white gown.
Sa edad 54, wala pa ring kupas ang kagandahan ng aktres.
Sa comments section ng post ni Jean, mababasa ang positive reactions ng netizens at kanyang IG followers.
Narito ang ilang papuri na natanggap ng aktres tungkol sa kanyang ageless beauty:
Si Jean ay kabilang sa star-studded cast ng 2024 murder mystery drama na Widows' War.
Napapanood siya sa serye bilang si Aurora Palacios, ang ina ni Paco na ginampanan ng aktor na si Rafael Rosell.
Mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.