GMA Logo jennylyn mercado
Photos from starstruck and mercadojenny (IG)
Celebrity Life

Jennylyn Mercado, may pinaretoke ba sa mukha?

By Jansen Ramos
Published February 23, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado


Sa YouTube channel na 'Ogie Diaz Showbiz Update,' sinagot ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado kung may pinagawa siyang cosmetic surgery sa kanyang mukha.

Malaking puhunan ng mga artista ang kanilang mukha kaya marami sa kanila ang sumasangguni sa mga espesyalista para magparetoke.

May ilang celebrities ang naging bukas tungkol sa kanilang mga pinagawang cosmetic procedure o beauty enhancement, tulad ni Heart Evangelista na hindi ikinahihiyang aminin na nagkaroon ng lip enhancement.

Samantala, may ilan ding na-chismis na may pinagawa sa mukha, gaya ni Julie Anne San Jose, bagay na pinabulaanan ng actresss-singer.

Isa rin si Jennylyn Mercado sa mga may magagandang mukha ngayon sa Philippine showbiz. Mula pa noong StarStruck, marami na ang nakapansin sa maamong mukha ng aktres.

Proud naman niyang inamin sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update na wala siyang pinagawang cosmetic surgery sa kanyang mukha. "Wala naman, Mama Ogz. Hanapin mo, walang tahi 'yan."

Naging totoo naman si Jen nang matanong kung ano ang sikreto sa kanyang magandang mukha.

Aniya, "'Di ko lang pinapakita 'yung mga face ko na malalaki. 'Yun ang sikreto. 'Wag kang mag-picture 'pag malaki ka. Like no'ng nanganak ako, 'yun 'yung biggest ko. 50, 60 [kilos]."

May binuko naman si Dennis tungkol sa kanyang misis.

Sabi niya, "Kahit ganyan 'yung katawan n'ya, napalakas n'ya kumain lalo na sa mga sweets."

Ayon kay Dennis, mabilis ang metabolism ni Jen kaya madali nitong nabu-burn ang calories at napapanatili ang sexy nitong pangangatawan, kalakip ang pagwo-workout.

Dagdag ng aktor, "Saka napupunta sa tamang lugar 'yung mga kinakain n'ya...[Sa balakang, hita, pwet.]"

Bida sina Jennylyn at Dennis sa rom-com film na Everything About My Wife kasama si Sam Milby. Mapapanood ito sa mga sinehan simula February 26.

Directed by Real Florido, ang pelikula ay collaboration ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.

Related Gallery: Celebrities who opened up about cosmetic enhancement